Magandabamovie's Instagram Audience Analytics and Demographics

@magandabamovie

Philippines

📍 Muntinlupa City 📣 Talks about movies, shows and food. email me at or dm for collab
mas▓▓▓▓▓@gmail.com
Makati City
Philippines
18–24

Business Category

Creators & Celebrities

StarNgage Profile

Free Promotion Count

1

Paid Campaign Count

8

Get Our Influencer Rate Card Today!

A brand new way for you to compare the rates of influencers across the world.

Learn More

PROFILE OVERVIEW OF MAGANDABAMOVIE

53.1% of magandabamovie's followers are female and 46.9% are male. Average engagement rate on the posts is around 0.50%. The average number of likes per post is 208 and the average number of comments is 21.

Magandabamovie loves posting about Modeling, Actors, Singer.

Check magandabamovie's audience demography. This analytics report shows magandabamovie's audience demographic percentage for key statistic like number of followers, average engagement rate, topic of interests, top-5 countries, core gender and so forth.

Followers
39,249
Avg Likes
208
Avg Comments
21
Posts
1,143
Global Rank
211,464
Country Rank
3,841
Category Rank
494

GENDER OF ENGAGERS FOR MAGANDABAMOVIE

Female
53.1 %
Male
46.9 %

AUDIENCE INTERESTS OF MAGANDABAMOVIE

  • Beauty & Fashion 54.97 %
  • Travel & Tourism 53.76 %
  • Restaurants, Food & Grocery 43.34 %
  • Photography 42.27 %
  • Art & Design 40.31 %
  • Clothes, Shoes, Handbags & Accessories 39.66 %
  • Business & Careers 39.25 %
  • Children & Family 37.95 %
  • How-to & Style 37.28 %
  • Movies and TV 35.32 %
  • Fitness & Yoga 34.77 %
  • Sports 34.01 %
  • Entertainment 33.72 %
  • Books and Literature 33.47 %

RECENT POSTS

85 6

#TheLastLetterFromYourLover - May Igaganda Pa. I liked the vibes, the warmth, sweetness and yearning. I guess bagay siyang panoorin ngayong tag-ulan lalo na't pa sad boi or pa sad girl ka nowadays. Isa kasi itong TOTGA film na pwedeng ihilera sa The Notebook, Dear John and many others na totga films. The cinematography and production were gorgeous. Nagustuhan ko rin yung music and soundtrack that's all about the 60's. Plus point din yung wardrobe at hairstyles, may isang scene pa nga dito na matutulog na yung mag-asawa, at parehong ayos na ayos ang buhok nila, ako yung nanghinayang nung nahiga na ang dalawa, sayang kasi yung hairdo. Yung story niya ay tungkol sa mga lumang love letters ng isang affair noong 60's. Natuklasan ito ng isang journalist sa present day at naging interested siya na ungkatin pa ang kwento sa likod ng mga liham na iyun. Doon papasok ang kwento nina Jenny at Boot, ang lovers noong dekada sesenta. They have that right love but at the wrong time na drama. At sa present day aalamin ng journalist kung ano ba ang naging ending ng love story nila J at B noon. Nag baback and forth yung story nito sa present time and 60's, medyo hindi flawless yung pag establish ng timelines. It won't be your fault kung malito ka. Sana kasi mas smooth yung transition. Magagaling yung mga actors dito. Shailene Woodley (Jenny) and Felicity Jones (the journalist) were amazing, si Joe Alwyn (Jenny's husband) din kahit baguhan pa lang you see his talent, sana ganun din si Callum Turner (Boot), medyo limited kasi yung range niya for the role. Sayang. Parang gusto ko pa ng mas memorable na moments, para mas umukit yung sakit sa mga manonood, medyo nakulangan ako sa script. It's watchable naman, lalo na sa mga mahihilig sa mga Nicholas Sparks novels. I'd say, you give this one a shot, baka magustuhan niyo. 👍

215 38

#BloodRedSky - Maganda. It's like Snakes On A Plane but replace snakes with vampires, pero yung emotional moments and characters kinda remind me a lot of Train To Busan. Sobrang intense ng movie na ito. It took its time to give us the action, but once it's on... it's on. Yes, for me it's more of an action film than a horror. But don't get me wrong, there is a good amount of gory and terror in this flick, pero mas nangingibabaw pa rin yung mala Liam Neeson na aksyonan, na nilagyan lang ng supernatural element. Yung pinaka gripe ko lang dito e medyo kulang sa puso yung pelikula, may mga minor characters na pakiramdam ko hindi masyadong nabigyan ng importance, at basta na lang itinapon. I guess ganun talaga kapag German movies, less emotions, more action. 😂 Overall its a fun watch, surprisingly entertaining and it'll give you a satisfying ending. I recommend! 👍👍 It's on Netflix.

360 69

#ashinofthenorth - Maganda. [CONTAINS SPOILER] It's actually more than a zombie flick, it's a revenge film. In this story we get to know more about Ashin, the character that was introduced to us in a split second, sa post credit ng Kingdom Season 2. Dito sa movie nakilala natin yung pinanggalingan niya, yung tribe niya at yung family niya. Unlike Crown Prince Lee Chang na lumaki sa yaman, we see the kid Ashin on the opposite side of the spectrum, yung tipong isang piraso lang ng karne pinaghahatian, hindi lang ng kanilang pamilya kundi ng buong tribo nila. Ganun yung humble beginnings niya, medyo OA sa poverty, but I guess ganun talaga kahirap mag hunt for food lalo na kung may tiger zombie sa forest nila. Sadly, hindi pa doon natatapos ang paghihirap ni Ashin. Dahil may tatraydor sa kanila na magiging dahilan ng pagkalipol ng buong tribe nito. At ang batang si Ashin lang ang matitira (thanks to her plot armor), at siya ay tatandang puno ng paghihiganti, para sa mga gumawa ng mali sa kanya at sa kanyang pamilya. I liked the overall story of Ashin of the North, yung alitan ng mga tribes, yung culture ng sinaunang Korea at ang magandang sceneries made this movie worth a watch for me. Bonus na lang actually yung zombie element para sa akin. Naging details lang sila para ma-achieve ni Ashin yung plano niya. Bagay rin kay Jun Ji-hyun (My Sassy Girl) yung role bilang isang babae na may masalimuot na nakaraan at mapaghiganting kapalaran. Ang galing nung strategy niya upang pabagsakin yung mga nag traydor sa kanilang tribo. It will make you cheer for this woman habang iniisa-isa niyang ubusin yung mga tao na nasa kill list niya. 😂 It made me excited more sa season 3 ng Kingdom, gusto kong malaman kung magiging friend ba o foe itong si Ashin ng ating mga bida. Personally, gusto kung maging ally siya, dahil after watching this Netflix Special, parang nakakatakot banggain itong si Ashin.

268 35

#HorrorInTheHighDesert - Scary AF! So medyo ayaw akong dalawin ng antok ngayong gabi, kaya sabi ko manonood muna ako ng movie pampa-tulog. Then I saw this new flick sa watchlist ko, at bilang mahilig ako sa found footage horror, I decided to watch it. Ngayon, mag-aala una na ng madaling-araw at nangingilabot pa rin ako sa aking napanood. Eskeri! 😬 Kung tulad ko kayo guys na mahilig sa FF horror, I highly recommend this one, reminds me a lot of The Blair Witch Project and also Lake Mungo. Same levels ng takot yung binigay nito saken. It's a mockumentary about this experienced survivalist named Gary, that went missing in the vast high desert of Nevada. At first para siyang crime/mystery, as they interview the friends and family of Gary to solve his disappearance. But as this make-believe docu progresses, its audience get pulled in to a much more unnerving horror! Yung last 20 minutes ng movie na ito, grabe lang, it made my skin crawl. 😬 You can watch it free and legal sa Tubitv, just Google search "Horror in the High Desert Tubitv". You don't have to download their app, pwede siya sa web browser panoorin. You're welcome.

235 11

#TheOtherWife - Maganda Pero... Yung performance dito ni Lovi Poe, kahit nag-sstream ka lang sa Vivamax, mapapa-standing ovation ka! Grabe yung nuances niya, mapapaisip ka talaga na underrated itong si Poe, with this kind of talent deserving siya of multiple acting awards for 2021! "Halimaw" is all I can say. As a psychological thriller maayos yung pagkaka tahi ng kwento ng The Other Wife, magaling yung pagkakatanim ng mystery at intrigue. Kakapit ka talaga sa bawat eksena dahil andun yung tension, yung paranoia. Ramdam mo na habang tumatagal, palala ng palala yung situations na kinahaharap ng ating protagonist. Nag eescalate ang anxiety level at a good pace hanggang sa dulo, to that grand reveal! The finale served us two things. One is great and the other one's a bit lacking for my taste. So the former is regarding that jaw-dropping performance of Ms. Lovi Poe. To be honest siya talaga ang pinaka aabangan sa pelikulang ito, yung performance niya towards the end is just stunning. But the latter, the one that is lacking, sadly, is the story's conclusion. Nakulangan ako. Parang rushed yung ending. My kulang para masabi ko na satisfied ako as an audience. Everything's working well sa pelikula na ito, the actors were great, the direction was actually on the money, napakahusay ng sound mixing, pati nga yung a couple of jumpscares dito were executed flawlessly e, and this is not even a ghost movie. Yung fail lang talaga dito, for me, ay yung ending, parang it badly needed a rewrite.

250 65

#MyAmanda - Pwede Na. Yung acting ang strongest suit ng movie, Alessandra and Piolo are seasoned actors, so undeniably magaling yung portrayals nila. Mahusay din yung cinematog, lakas maka Hollywood yung feel. Editing is also flawless, ang smooth lang talaga ng flow ng pelikula. Yung pagkukulay, it's a little bit dim, but I guess that's really intentional, gusto nilang maachieve yung chill, laid back na atmosphere, siguro. Medyo nawiwirduhan ako sa OST nila na Through The Fire though, parang walang connect sa kabuuang story yung mensahe ng kanta, every time pinapatugtog or kinakanta yung Through The Fire na-cricringe ako. 😂 May igaganda pa yung character writing. Wala masyadong character progression sina Fream at Fuffy. Throughout the story andun yung mga life events for these characters, pero hindi ko maramdaman yung growth nila despite sa mga changes na nagaganap sa buhay nila. Gusto 👏ko👏ng👏growth. Habang nanonood ako ng movie na ito, pakiramdam ko outsider ako. Parang okay siguro kung naging mas absorbing yung story. Ginawa sana nilang mas exciting, binudburan ng intrigue, minarinate with conflicts, para mas kapitan mo yung mga characters. Alam mo yung pakiramdam na may ichinichismis sayo yung kaibigan mo tungkol sa mga tao na wala ka naman talagang paki-alam? Parang ganun yung feel dito. Overall, maganda yung movie dahil sa visuals at sa performances ng mga actors, pero pagdating sa story at characterization medyo hindi nadarang ng maayos sa apoy.

193 14

#SpaceJam2 - Maganda. I'm not sure bakit mababa ang ratings na nakukuha ng movie na ito? It's actually fun. It's a movie for kids, and I really think it succeed on that field. Maayos yung pacing ng movie, balanse yung story ni Lebron at ni Bugs Bunny. Super enjoyable yung basketball game, kahit hindi siya tulad ng meron sa Space Jam ni MJ, it surely held its own. Fun and funny! The movie is a feast for the eyes, mula sa striking colors ng animation, sa mga nostalgic cameos of other WB products hanggang sa flawless CGI, dun pa lang I don't think this flick deserves those bad reviews. Guys panoorin niyo ito, hindi nito deserve na mag flop.

179 33

[CONTAINS SPOILERS] #Loki - Maganda Pero... Least of my fave MCU series. Andaming fail pagdating sa editing, especially episodes 4-6. Yung script, may igaganda pa, kailangan nila ng mas malalim pero mas madaling intindihin na dialogues. Andaming twists and turns pero ramdam ko na it's gimmicky, kesa yung totoong ma-eexcite talaga ako sa mga kaganapan. Hindi pa ako sure sa dapat kong isipin sa medyo "twincestious" element ng story. Interesting si Sylvie, pero hindi ako ganun ka bilib sa acting nung nag-portray sa kanya. Gusto ko sa series na ito na mas na-explore yung mga powers ni Loki, and they also showed na in the future may mas ilalakas pa ang ating bida. Masaya yung episodes na may multiple variants ni Loki, pero medyo bitin. Bitin din yung season finale. Overall bitin yung series. PS. I'm not sure if it's just me, pero umay na ako sa mga pa-easter eggs ng Marvel. Parang normal na lang saken na laging may ganun. At this point mas mashoshock at ma-aamaze ako kung may series or movie na ni isang easter egg walang ni-drop ang Marvel.

340 18

#BoyfriendNo13 - Maganda. I liked it a lot! Super aliw lang sa panonood. Actually yung quality niya parang same na sa mga K-Drama romcoms. From that very catchy opening song, sa maayos na cinematog, magagaling na actors, to that mala K-Drama closing credits. Ready na ang show na ito ipanglaban sa mga koreans! 😂 Pinag gastusan yung series, hindi tipid sa mga supporting cast, andaming tertiary characters para lang mas maging matingkad yung pagkakasulat sa mga leading characters. Yung filming locations din hindi lang siya yung tipong two or three places lang, so ramdam mo talaga yung lawak ng mundo ng ating mga bida. Pag dating sa premise ng kwento, it's already been done a lot of times– "may girl na mahilig sa mga pamahiin pagdating sa love, pero may darating na guy na magpapabago sa kanyang mga paniniwala" kind of story, but it's the execution that makes it all worthwhile. Yung script, super nakakatawa, natural yung dialogues, at exciting yung mga turn of events. Kaabang abang bawat episode. Napanood ko na in advanced, in one sitting yung first four episodes (thanks to VIP membership haha), at bitin pa rin for me after that. I need more! Kudos to John Lapus, napaka creative niya as director dito, nabalanse niya yung KDrama vibes while adding that Pinoy flavor. Also, Sue did a tremendous job here, bagay na bagay sa kanya yung role, napakagaan lang panoorin, comportable siyang magpaka-wacky sa camera. And the romantic element of the series actually works well, mahuhusay at likeable kasi yung mga actors. I recommend this show, lalo na kung mahilig kayo sa mga romcoms. Andami mong itatawa dito for sure! You can watch the existing episodes anytime at WeTV app. They release new episode every friday 7pm. You can watch future episodes in advanced if you have the VIP membership. @wetvphilippines

86 33

#fearstreet1994 - Maganda Pero. I liked the concept, it's a pretty fun horror flick, may pagka slasher pero meron ding supernatural element. The story supposedly took place in the 90s but I don't think na-capture ng pelikula yung right feel during that era. Baka dahil masyadong glossy yung texture ng film? Also, the wardrobe was either too costumey or bland, hindi pasok sa dekada nila? Or baka dahil hindi rin ganun katugma yung script? Yung dialogues kasi ng mga bata dito parang laking 2010s sila. Wala yung quirkiness at mga slangs na galing sa dekada nobenta. I liked the music, pero masyado nilang siniksik yung mga 90s songs kaya naman wala nang time to savor each. Masyadong crammed up. Ganyan din yung pacing nung film, parang may times that they are rushing. All in all, it's uneven pagdating sa flow ng pelikula. Pinaka nagustuhan ko yung slasher side ng movie, as a horror fan, I loved that they didn't hold back on those gritty, gory scenes. Napaka galing din mang gulat nito, ilang beses akong napa-squirm during my watch. They have a good cast, pero medyo dull yung lead, mas kumapit ako sa secondary characters na higit na likeable. Kaya siguro na-disappoint ako ng onti on how things ended. Dalawa kasi sa paborito kong characters yung nawala. Then natira yung mga di ko ganun masyadong gusto. Overall, it's watchable, it's fun, pero mas nag-expect ako ng mataas mula sa movie na ito. So now I'm hoping na sana mas maganda yung dalawa pang susunod na installments.

171 7

#Gluta - Maganda. Charming na lead si Ella Cruz (@ellacruz) as Angel. Believable yung acting niya, naibigay nito sa kanyang karakter yung isang aeta na puno ng pangarap, may pagka naive subalit palaban. Mahusay rin na secondary character si Chong Goliath na pinagbidahan ni Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova). Ginawa niyang aware yung pelikula on some of its flaws, kaya sa halip na maging cringe yung ilang eksena, naging nakakatawa because of her. Katulad ng mga movies ni Yap, for some reasons, nagsisigawan na naman ang mga tauhan ng pelikula, kahit hindi naman talaga kailangan. So I wouldn't advice to watch this film nang kagigising mo pa lang, or if patulog ka na. Watch it in the afternoon, also reduce the volume by 25%. Even though the message of the movie is familiar, nagustuhan ko yung execution nito, fresh and sweet, balanse yung drama and comedy, may iilang bits na medyo amateurish but then may mga moments din that's actually worth praising. Favorite ko yung confrontation scene nina Angel and Chong Goliath, it really showed how good as actors sina Ellen and Juliana. Maayos din yung pagkakasulat ng script sa eksena na iyun, natural, hindi yung usual na dialogue/monologue style ni Yap. Yung ending ng Gluta is so unconventional, and I liked it. Its thought-provoking. Naging risky dito si Yap, pero na-appreciate ko yung pagsugal niya, it gave the movie an edge. @viva_films @vivamaxph

130 11

⚠️GIVEAWAY Alert⚠️ Naniniwala ka ba sa tadhana? O sa pag-ibig? O sa mga pamahiin tungkol sa No. 13? Kung ganun, watch na tayo ng Boyfriend No. 13 (@boyfriendno13) Tonight na at 7pm sa WeTV! At dahil sa show na ito, may pa-Giveaway kaming 10 VIP membership vouchers from WeTV! HOW TO JOIN? ♥️Like this post. ☑️Follow @wetvphilippines #️⃣Tag a friend in the comment section with the hashtags #BF13onWeTV and #BoyfriendNo13onWeTV. One comment = 1 entry ↪️Share this post via STORIES to double your chances of winning! Announcement of winners will be on July 6! #MalasSaTrese o #SwerteSaTrese? #BF13onWeTV #SueRamirez as KIM #JCdeVera as DON #JCSantos as BOB #LotlotdeLeon #BryanSy #HersheyNeri #PhiPalmos Directed by: #JohnLapus

267 30

Maganda ang mensahe nitong Underground, that you need to love yourself muna, yung totoong ikaw, bago ka mag expect na mahalin at tanggapin din ng iba. It's a story about a senior analyst named Mark. At first it showed that he's leading a double life before siya maging Accenture employee. At anggaling lang nung technique na ginawa sa vertical film na ito para ma-visualize yung duality ng buhay ng protagonist. They split the screen horizontally. So sa taas, makikita siya na malungkot habang nag-coconform sa alam niya ay normal. Samantalang sa ibaba naman– sa "underground", he's on sheer bliss. As he's able to do things freely and express his true self. As a viewer, mararamdaman mo talaga yung pagkakaiba ng dalawang buhay ni Mark, it's like night and day, at parang imposible na mapag-mix niya iyun. Dito papasok ang buhay sa Accenture. Because with the right company, na nagpapahalaga sa inclusivity, diversity at authenticity, unti unti niyang natutuhang mahalin yung totoong siya and in return, minahal at tinanggap rin siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi na niya kinailangang magtago to express his true self. Kaya naman kudos to #StoriesOfAccenture for this one! A truly fitting film in time for Pride Month! You can watch Underground, amongst other Accenture Vertical Film Festival films in @accenture.ph social media platforms (Instagram, Youtube and Facebook) or you may directly access this link here: accntu.re/3pxZHOp

71 3

Get your favorite X-Men tees only at @comiccentralph! May stores sila sa Lazada at Shopee. #comiccentralph #xmen #mutants #marvel

119 0

#SanaAll - May Igaganda Pa. Mahusay yung acting chops ni Meg Imperial, natural lang, nagbigay pa rin siya ng maayos na performance kahit kadalasan yung kapartner niya sa mga eksena is just phoning it in. Gusto ko yung sceneries, it'll make you want to visit La Union's beach (lalo na sa init ng panahon ngayon), and that lovely place in Benguet. Sana lang mas may maaayos na wide shots para mas nafeature lalo yung kagandahan ng mga ito. The story revolves largely on Ilocos Norte's exotic wine called tapuey. Actually parang mas fitting na ito na lang yung ginawang title ng movie, like, "Tapuey with Love", kesa Sana All na parang not really related sa story at all. Gusto ko yung concept ng movie, na taga-gawa ng tapuey yung lead character na si Iyam (Meg Imperial), pero dahil matagal na siyang hindi na-iinlove, hindi na rin ganoon kasarap ang lasa ng kanyang produkto. So darating yung guy na magiging dahilan para maniwala siyang muli sa pag-ibig at mapasarap ang kanyang tapuey. Ang ganda sana ng premise ng story, yung naghahalo ang culture at romance. Kaso bitin yung execution. May kulang. Mababaw yung script. Parang mas nag focus sila sa mga comedic bits and to be honest, hindi naman ganun nakakatawa. Then pagdating sa more serious side ng kwento, parang si Meg lang yung may bigat pagdating sa pag-arte. Merong interesting conflict yung kwento, pero naging matabang din yung pag-atake. Yun ang naging pinaka problema ng movie na ito, walang bigat o impact sa mga eksena na dapat ay mayroon.

150 9

Guys, I just watched #TheTomorrowWar trailer, and it looks promising. I'm now excited to see it on Prime! It will stream on Amazon Prime July 2. Subscribe thru @enjoyglobe plans! You can use the link below to know more. ⤵️⤵️⤵️ glbe.co/AVP-MagandaBa

318 57

#BlackSummer S2 - Napaka Ganda. After 2 years nasundan din ito, and my zombie heart is really happy for it! I don't understand why less people (here in the PH) are watching it compared to TWD and Kingdom, when this one's actually better in terms of execution, as this show legitimately makes its zombie scenes more frightening and the human encounters are either so intense or quite emotional. Napaka galing ng technical aspect ng series na ito, the way it's filmed is just chef's kiss. The sound mixing is also incredible, watch it with your most expensive sound system, and thank me later. Ganun din pagdating sa acting, Jaime King really gave a great performance here, mukha talaga siyang isang ina na nasa zombie apocalypse with all those eye bags, and her worrying eyes. Andaming unforgettable moments for me dito sa season 2, whether its the gory murder house, that Spears-centric episode, that "haunted" Lodge, or just Sun being Sun. I think yung pinaka reason bakit madami ang nadidiscourage to continue on watching Black Summer is because of its disjointed storytelling, which I must admit medyo off putting nga, especially kung mag uumpisa ka pa lang sa series. But my suggestion is to hold on to it, dahil napaka ganda ng pay off nito, lalo na kung fan ka ng zombie genre. PS. Hey @netflix please don't F this up, give this show its well deserved season 3!

407 31

#Luca - Napaka Ganda Pero... Stunning animation, mula sa striking colors, artful design, hanggang sa nakaka inlove na scenery, Disney and Pixar once again outdid themselves at this aspect. The story is sweet, heartwarming, and extremely cute. It's a brotherly love about these two "fish out of water" kids, exploring the human world together, with a single goal but also finding out as they go along that they have different dreams. I would also get it if others are claiming that this is Disney's Pride Month offering; may Italy, may bike rides, at may bid farewell sa train station... kulang na lang fireplace scene sa dulo. 😂 Hindi pa rin mawawala dito yung mga tug at your heart moments na expert na si Pixar, lalo na sa bandang ending na may mga eksenang a little heartbreaking. But don't get me wrong, in entirety, it's definitely fun, at maraming humorous bits that'll keep you smiling for one hour and a half for sure. Yung weakest point lang ng movie ay ang pacing, medyo rushed, especially on its second act. Hindi ganun kabigat yung build up, so yung pay off di rin ganun kalakas. Overall, it's still a must watch for me. Yung ganda ng seaside town ng Italy Riviera na ipininta ng Pixar, sapat nang dahilan para wag itong palampasin. You can stream the movie on Disney+.

232 46

#EliteSeason4 - Maganda Pero. Wala na halos lahat ng mga favorite characters ko, natira yung either boring or annoying. May mga bagong characters, at first they're interesting, pero mabilis naging sour yung writing for them. Hindi ako ganoon ka invested sa kanila, medyo mababaw yung character development sa mga bago. Kahit yung mga OG hindi na rin ganun kaganda ang pagkakasulat, masyadong rush, sabog, nagmukhang fan fic. Maraming desisyon na ginawa yung mga dati nang tauhan sa show na parang out of their usual behavior, mapapakamot ka na lang sa ulo. Hindi rin ganun ka thrilling at intricate yung crime/mystery aspect ng series. Medyo clumsy. Okay lang 'tong season 4 to satisfy your guilty pleasure, pero walang wala siya sa first three. I heard that it's already renewed for season 5, sana bumawi sila. PS. Sila Omar at Samu lang ba ang waiters/bar tenders sa buong Madrid? Para kasing present lagi sila sa mga places na may mga events yung Elite clique. 😂

320 11

#Hacks- Sobrang Ganda. Bagong series ng HBO Max, napaka galing ng writing, definitely a solid dramedy show. It's a story about the legendary (at medyo has-been) na Las Vegas stand-up comedian mentoring a very talented (yet feeling entitled) young writer. Para siyang The Devil Wears Prada for stand-up comic. Both characters have their flaws and quirks, kaya naman mamahalin mo sila at the same time kakainisan. Yung humor ng show na ito, it's fresh and solid. Andaming beses na I'm literally rolling on floor laughing, genuinely nakakatawa kasi yung mga interactions ng mga characters dito, lalong lalo na yung ating mga protagonists. Hindi nagmamadali ang show, it makes great set ups, para kapag nasa punchline na ito they are sure that the audience will laugh satisfyingly. Ganun din sa dramatic bits, it makes sure na fully connected na ang viewers bago sila magbagsak ng mga emotional moments. It's really a masterclass pagdating sa execution. The story is a rollercoaster ride of emotions and misadventures for our "hacks". Kaya naman natapos ko yung buong season 1 in just single sitting. Highly recommended!

241 2

#ABWP - Maganda Pero. Natuwa ako sa premise at sa ending ng movie na ito, magaling. Andito pa rin yung stamp ni Darryl Yap na parang nag mo-monologue yung mga characters every time may mahalagang mensahe na nais ma-emphasize, and although others may like that style, for me, outdated na yung ganoong technique, and so unnatural. If ako yung writer, gagawa ako ng monologue then I'm going to tweak it para mas fit for a cinematic script. Actually mayaman ang ABWP sa mga ideya na mahalagang marinig ng nakararami, may boses ito. Sana lang talaga naging mas smooth pa yung pagkakasulat para sure na maabsorb ng audience. Sa comedy, mababaw lang ako, at natuwa ako sa mga jokes nila. Yung mala stand-up comic na humor nina Chad Kinis at Petite, panalo saken. Yung makulit na karakter ni Ms. Candy Pangilinan, marami akong itinawa. At nag stood out si Jerald Napoles, na lahat ng lines ay pumatok. Sobrang galing niya dito, to the point that I realized it's really wrong because I'm laughing hard at his character na may kapansanan. Then biglang ipapasok yung mga dramatic scenes, and amazingly on point pa rin ang delivery ng aktor! Yes, I think isa ito sa best performances ni Jerald. Pagdating sa character ni Kim Molina, medyo naramdaman ko ang struggle ng pelikula sa pagpapatawa, it was lacking. It's not because may pagkukulang si Kim, wala lang masyadong naibigay sa kanya na lines na mapaglalaruan niya. Sana nag-inject pa rin ang writer ng maraming humorous bits na nagmumula sa expressionless na si Tasha kasi ito ang protagonist. But then, nung sa last few minutes ng movie, nandun yung isang bagsakan na pamalas ng galing ni Kim. She nailed that, and it was powerful and beautifully done. For a moment then nalimutan ko ang mga pagkukulang. Overall, I liked ABWP, pero it's lacking, and mostly galing sa weak na execution, perhaps sa limited time and budget, at surely sa hindi ganun kapulido na writing. I actually fell in love sa kabuuan ng kwento na parang gusto kong pakialaman yung pelikula para mapaganda pa lalo. May potential sana itong maging next na Kita Kita (or even surpass it), mahusay kasi yung premise, yung mensahe, at yung cast. @vivamaxph is where you can stream it.

469 50

#WishDragon - Napaka Ganda. Hindi ko ini-expect na magugustuhan ko itong Wish Dragon, I watched it without knowing anything about it, hindi ko pinanood yung trailer, wala rin akong binasa na review, but in my defense parang hindi rin naman kasi na-advertise yung movie ng ganoon kadalas o kadami (at least dito sa PH). As I watch, unti-unti kong nafigure out kung ano yung premise ng movie, nasabi ko pa, "para siyang gaya-gaya sa kwento ng Aladdin", na may kasabay na pagtawa at konting pangungutya sa pinanonood. Thirty minutes in at sigurado na akong ito nga ang Chinese iteration ng nabanggit kong classic Disney animated film! Pinalitan lang ang magic lamp ng mahiwagang teapot, at si Genie ay naging neon pink dragon. But at the same time, napansin ko rin that I was truly enjoying it, glued ako sa screen, nakangiti ako sa mga kaganapan, excited ako sa bawat tagpo. Yes, yung story niya maybe too familiar, but damn, the execution of this film is just too entertaining and adorable for my heart to handle. I loved the screenplay, walang boring na moment, on point yung mga comedic bits. The action sequences were nothing but stunning, it's exciting na halos ka-level na ng Into The Spider-Verse. Napaka galing din ng pagkaka inject ng mga emotional moments, hindi mo mararamdaman na ni-force para lang masabi ng Sony Pictures na "Hey baby, kaya din namin yung magic ingredient ng Pixar". And most importantly, sobrang husay nung character development nitong movie na ito, pakiramdam ko mas solid yung mga aral na natutunan ng bawat character dito if ikukumpara natin sa animated Aladdin, mas mataas din yung isinugal nila para sa mga bagay na mas makabuluhan. Iba yung mga wishes na ginawa ng ating protagonist (and antagonist) dito which made the things a lot more interesting. And the ending's really great, its both exhilarating and impassioned. I really liked it a lot. Highly recommended to guys! Streaming siya sa @netflixph

720 106

#Trese - May Igaganda Pa. I know na malaking achievement ito sa sining at entertainment industry ng Pilipinas, at talaga namang nakaka-proud. At dapat nating ipagmalaki, but at the same time andito rin ako para sabihin kung ano yung totoo kong naramdaman at naisip sa isang show di ba? Overall, I liked it as a whole. Yung pag incorporate ng mga Pinoy mythological creatures sa kwento sounds awesome. Yung sceneries, mula sa MRT Guadalupe Station hanggang sa nakaka in love na overlooking imagery ng Manila sa gabi, talagang isinisigaw nito ang pagiging makabayan. And that's really something. But if I'm being honest, I wish the anime had more nuances and subtlety, sana may time to breathe in between moments, para kasing masyadong maraming nangyayari sa isang episode that for me as an audience it felt that it's rushing a lot. May pagka noir detective ito, so I really think it would have benefited kung medyo naging slow yung pacing. Sana mas may impact pagdating sa character introductions, mas may bigat sa bawat orasyon scenes in terms of illustration, sana rin mas less stiff yung animation, at mas expanded yung storytelling. Medyo naging diskusyon din ang voice acting, especially ng lead actress for the Tagalog dub. For me, she got slightly better towards the end, but yeah medyo awkward yung first episodes, monotonous masyado. But since nakabawi naman siya, lalo na sa sixth and final episode, I guess mas lalo lang gagaling si Liza, if ever the show get renewed. Which I'm really hoping it will. I love that it doesn't hold back when it comes to being gory, I also admire the character design. Gusto ko din yung emphasize nila sa tema na magkaiba ang kadugo sa kapamilya. Na wala kang choice kung sino ang magiging magulang mo, pero may kakayahan kang pumili kung saan ka nabibilang. Nakakatuwa din yung malaking Chocnut. Yung mga Filipino references, mula politicians, showbiz industry, hanggang sa mga pulis, appreciated ko rin yung malalim na mensahe patungkol sa mga ito. Marami pang room for improvement ang show na ito, pero I'm sure Trese will be the start of something exciting and inspiring for most Filipinos out there who have stories to tell to the world. ♥️

226 24

#MareOfEasttown - Napaka Ganda Pero. Malaki ang chance na manalo si Kate Winslet ng Emmy for this gig. Actually buong cast, impressive yung acting. For sure aani itong show ng maraming awards. Ngayon pa lang naghahanda na ang HBO ng paglalagyan ng mga trophies nila for it. It's a slow burn murder-mystery series, na tadtad ng red herrings. Who needs fast-paced storytelling kung kasing ganda ng Mare of Easttown ang script, scenery, mood at scoring? Ito yung show na gusto mong magbabad sa bawat eksena, dahil napaka ganda ng pagkaka timpla. Pakiramdam mo kabahagi ka ng Easttown, kaparte ka ng neighborhood, isa ka sa mga tauhan, it's extremely absorbing. Engrossing yung detective element ng show, nag iwan ng iba't-ibang breadcrumbs yung writer para mabalutan ng maayos ang mystery nito. Kalahati ng mga characters were sus, lahat mahuhusay ang character writing, kaya super enjoy manghula kung sino ba talaga ang big baddie sa kanila. To be honest, pinagpustahan pa nga ng film friends ko kung sino ba talaga ang may sala. Ganun kami ka invested sa show na ito. 😂 Pero there's a small gripe lang siguro from my end, which is coming from the show's big reveal. Medyo maligamgam kasi yung kinalabasan. Yung init na init na kasi ang lahat kaka-abang kung sino ba ang killer, then ang ihahain ng show e lukewarm, kaya kinda disappointing sa dulo. I think malaking reason bakit rin ako disappointed ay dahil may ibang culprit ako on mind. And I feel na mas interesting if nasunod yung character na tinayaan ko. Anyhow, kudos pa rin sa HBO and sa team ng Mare of Easttown. May gamit na gamit na kasabihan tayo, that it's not the destination but the journey. At sa 7 episodes nito, yung first 6 were truly amazing! Still highly recommended in my book. Nood kayo! Mare of Easttown is streaming on HBO Go.

282 29

#Awake - Maganda. For an apocalyptic movie, entertaining siya. It's reminiscent of War of the Worlds, yung susubaybayan mo ang isang dysfunctional family habang nararanasan nila dahan-dahan ang pag guho ng sibilisasyon. Andun yung drama, yung tension, yung takot at stress. Gusto ko rin yung mala I Am Legend na part ng pelikula, na may isa sa mga characters ang maaaring susi para mailigtas pa ang mundo at sangkatauhan mula sa kapahamakan at extinction. And the ending's also satisfying. Hindi siya katulad ng maraming apocalyptic or post-apocalyptic films na sobrang open-ended, this one has a good closure, sa mystery and also to its characters. Na-explain ng maayos yung reason kung bakit nagsimulang masira lahat ng electronic devices at ang pagkawala ng ability ng mga tao na makatulog. Nabigyan din ng malinaw na ending yung bawat karakter. It felt complete, mahalaga na yun for me, kumpara sa karamihang pelikula that fall under the same genre na usually iiwanan ka ng maraming tanong. Na mapapakamot ka na lang sa ulo, no? If you're into apocalyptic movies, then this one should be a no-brainer for you, go see it. Nasa @netflixph siya.

291 6

#BoBurnhamInside - Super Ganda. I slightly laughed when Bo started describing what this thing is gonna be about, he called it a not "regular" special, and the wordplay just got me. Pero nung natapos ko yung comedy special na ito, naintindihan ko na kung ano ang ibig niyang sabihin, it certainly was not just regular... it was a masterpiece! Habang pandemic, gumawa siya ng isang musical tungkol sa mga narealize at naramdaman niya during the pandemic. Mag-isa lang siyang cast, writer, director at videographer. At ang resulta— isang magulo subalit sobrang nakakatawa, nakakalungkot at nakakahibang na output. Lahat ng may mga pinagdaanan during this weird and uncertain times, super makaka-relate sa comedy special na ito. I was laughing hard one minute and the next I find myself tearing up, and then it'll leave you hopeful. Definitely a must-see! Bo Burnham: Inside is streaming on @netflixph

140 37

#conjuring3 - Pwede Na. Weak yung scary parts. Pero solid yung storytelling. It's more of a detective flick than horror. Sweet pa rin yung kwento ng Warren couple, I think their story is even more sweet this time. Mahuhusay pa rin yung mga actors portraying them, which make the film worth a watch. May igaganda pa itong movie kung ginawa nila sigurong series, para mas na flesh out yung mga characters, at nakapagtanim pa sana sila ng madaming red herrings. Para saken kasi, mas effective talaga ang story nito as a murder-mystery with a touch of paranormal horror. At this point, medyo tired na yung franchise na ito. I'm not looking forward for another installment tbh.

168 7

#Kaka - Sayang. Magagaling yung supporting cast. Walang kupas si Ms. Rosanna Roces at Ms. Gina Pareño. Kahit si Maui Taylor cute din yung pagpapatawa dito. Magaling din yung mga actors portraying minor characters, favorite ko si Jackie Gonzaga. Parang gusto ko siyang mapanood na bida sa isang rom-com! Medyo mahina lang talaga yung leads ng Kaka, parang kailangan pa ng workshop, with the exception of Jerald Napoles na natural na komedyante. Gusto ko yung premise ng kwento, interesting lalo na yung tungkol sa "sumpa" ng family ni Kaka. May aral din yung movie, at may twist, kahit medyo predictable. Pero yung execution, dun nag fail miserably yung pelikula. Misguided yung mga jokes, taliwas sa kabuuan na mensahe nito. Lazy rin yung camera work. Walang maayos na flow yung story. Sabog. Buhaghag.

154 27

#Cruella - Maganda Pero. To say na para siyang Joker meets The Devil Wears Prada is an overstatement. Masyadong soft yung Cruella na ito compare to the Joker who is crazy to the bones. Less fierce din si Baroness ni Emma Thompson para ikumpara sa ferocious Miranda Priestly ni Streep. Production style is its strongest suit. It feels like they hired the whole production team of Project Runway, or perhaps Rand Paul's. For sure mas maganda itong panoorin sa big screen. Also, gusto ko rin yung soundtrack, maraming mga cover songs that are well produced and so fitting to the scenes. Too kiddie ng story and characters for me though, but what's weird is that there's a death scene that's too brutal, traumatic sa mga bata. So medyo nakakalito kung sino ba talaga ang target audience ng pelikula. The movie is a little over two hours long, and you can really feel that it is, in fact, long. Mas bagay siyang gawing Disney+ series. It is well-acted, but the thing is I've seen both of Emmas did better performances in their other films than what they did here. Sakto lang yung actingan. At its best you get an extravagantly produced, Hollywoodized version ng Wildflower ni Maja. Yung line na "I am indestructible" na lang ang kulang. It's fun, it's stylish, sana lang tulad ng mga pa-shoulder pads ni Cruella, naging mas edgy pa yung movie. Cruella is streaming on Disney+ you need to use VPN and Premier Access.

296 27

Wow! – is all that I can say after watching this short film Gravity, it's the first offering of the #StoriesofAccenture Vertical Film Festival. With just under three minutes, they were able to execute something that is so involving, literally and figuratively. Gravity tells a true to life story of Camille, isang empleyado, na maraming pinagdadaanan sa panahon ngayon. Napaka authentic and relatable ng kwento niya. Tungkol ito sa mga pagbabago na parang gravity na humihila sa kanya, papalayo sa buhay na payapa at masaya. In a way, the film depicted the inner feelings and sadness of a person going through so much, by creatively showing Camille's room spiraling while she's inside it, struggling. And what I like about this innovative film is that as a viewer, you'll be able to feel a bit more of what she's going through dahil may pagka interactive ito kasi may participation ka rin! (You'll have to see it to experience yourself) Sinasabi rin sa short na ito na mahalaga ang isang supportive at very understanding company kapag may mga pinagdadaanan ka sa buhay, mentally and emotionally. At dito ipinapakita ng Accenture na isa sila sa nagpapahalaga sa kanilang mga employees pagdating sa ganitong aspeto, bagay na masarap ipagmalaki para tularan pa ng iba. Mapapa #SanaAll tulad sa Accenture ka na lang talaga. 😂 PS. With Gravity's quality and relevance, mas lalo pa akong na excite to see yung apat pang films ng Accenture Vertical Film Festival which will be released on a monthly basis. You can watch Gravity, and the rest of their upcoming short films on Accenture Philippines' social media accounts (Instagram, Facebook and Youtube). Kaabang-abang!

285 13

#TheKidDetective - Napaka Ganda. A once-celebrated kid detective, now 31, continues to solve the same trivial mysteries between hangovers and bouts of self-pity. Until a naive client brings him his first 'adult' case, to find out who brutally murdered her boyfriend. Charming cast, quirky script, lovable characters. There's also a great balance of dorky humor and spine-chilling terror. And then there's some emotional bits that were injected so perfectly. The mystery/crime side of the movie is fresh. Hindi mo madaling mahuhulaan kung sino ang big baddie, but once it's been revealed, saka mo lang marerealize na andun na pala yung mga clues sa harap mo. At wala kang magagawa kundi ma shock dahil ang creepy nung criminal, and at the same time kakabahan ka rin para sa ating mga bida. I highly recommend it! It's streaming on @netflixph

178 88

Contains SPOILER #armyofthedead - Maganda Pero. Visually pleasing. Flawless VFX, top-notch prosthetics and makeup, charming characters and with a kickass soundtrack. Disappointed lang ako sa writing. Especially sa ending. Parang namatay most of the characters because of carelessness and incompetency. Sayang yung time sa first half ng movie that's all about planning. Kasi parang pinilit ng writer na pumalpak lahat, para lang mag progress ang plot. Sana ang naging plano na lang ay mag stay silang lahat sa loob nung vault until the city got nuked, buhay pa sana silang lahat kung ganun. Also, if the casino owner Bly Tanaka is just after the head of that (queen) zombie, sana sa umpisa pa lang ni-divulge na niya kay Scott Ward na iyun ang mission. Bakit kailangan pang magsinungaling? Di ko gets, haha. Pointless din yung pagiging pasaway ng anak ni Scott Ward, kasi pinatay din yung iniligtas niya na friend sa ending. Disappointing yung writing. Maganda yung visuals.

195 6

#MommyIssues - Maganda Kung. Kung gusto mo lang matawa, at yung humor mo ay may panlasang Pinoy, then you might enjoy this. For me para siyang mixed nuts, alam niyo yung Ding Dong, ganun. May mga ingredients ako that I like and then some (actually most of it), I don't like so much. Yung peanut lang saka curls lang talaga yung salakam for me for the snack mix. Well pagdating sa Mommy Issues, yung peanut and curls are definitely Sue Ramirez and Ryan Bang. To be honest, I'm impressed kung paano nagawa ni Sue na makapag deliver ng mahusay na performance kahit yung mga kasalo niya sa eksena ay either kulang or OA sa pag-arte. The film is worth a look para lang makita mo kung gaano kahusay itong si Sue. Surprisingly, I think this is the first time I am convinced that Ryan Bang is a good comedian. I know nasa My Ex and Whys siya, pero dun kasi parang pilit pa yung pagpapatawa niya, unlike here na mas ramdam ko na nag-enjoy siya, kaya as a result napalakas din ang tawa ko sa mga eksena where he's in it. It's all good. Now for those bits that I didn't like so much, yung mga cornick, green peas at makunat kunat na chips ng pelikula na ito, they are the direction, script and as I've said, most of its actors. Parang outdated na yung overall feel ng pelikula, if may magsasabi saken na ito ay gawa noong year 2000, maniniwala ako. Sa script naman, sure pagdating sa humorous stuff, may mga nakakatawa (given na katulad ko kayo na broad ang sense of humor ha), pero pagdating sa emotional scenes, most of them, if not all, are fails. Hindi siya maka-connect sa audience. Parang uhaw sa mas malalim na dialogue. Will I recommend this film? I guess I will, pero sa mga piling tao na alam ko kung anong tipo ng comedy ang gusto. It's definitely not for everyone.

269 34

#MaggiKusinaSerye NakakataCooks - Maganda. This one is my favorite out of the three KusinaSerye episodes. It's a spooky comedy about the importance of tradition and innovation in cooking.  Production-wise, it felt like you're already watching a movie, the story was super enjoyable and the visual effects were quite good. You can show this short film to your kids and they'll definitely gonna enjoy it! Not to mention na may aral silang matututunan, tungkol sa pamilya at sa pagluluto. Gusto ko yung mensahe dito na minsan hindi naman masamang mag tweak ng kaunti sa nakasanayan na especially kung ito ay magdudulot ng improvement. Mahalaga ang tradisyon sa pamilya, pero ang tradisyon ay isang bagay na dapat lahat ng madadaanang generasyon ay may ambag, may naidadagdag na sangkap para mas lalo pa itong mapagyaman, mas mapasarap. Tradition should be like a passed down recipe that family members can cherish and develop. Speaking of tradition, sana every holiday mayroong MAGGI KusinaSerye na aabangan ng bawat pamilya. It'll be exciting, may tamang aral na pang family at may mga masasarap na featured recipes! #MaggiKusinaSerye  #MaggiMagicSarap  #Maggi #ALLinONEderful  #NakakataCooks

264 17

#MAGGIKusinaserye PAG-ASArap - Inspiring. Very timely and inspiring nung story. Sinasabi ng short film na ito na kahit sa panahon ngayon na maraming bagay ang hindi ka sigurado, mahalaga pa rin na hindi tayo mawawalan ng pagasa. Kwento ito ng isang pamilya na naapektuhan ang kanilang kabuhayan ng magkaroon ng pandemya. Pero dahil sa pagiging masipag, mapagbigay at palaging optimistic, nagawa nilang malampasan ang mga hamon sa buhay. Halos lahat sa atin ay makaka-relate sa short film na ito, para siyang love letter sa ating mga Pilipino na nagsasabing 'wag tayong mawalan ng pagasa, kapit lang. Huwag mahiyang tumanggap ng tulong kapag nangangailangan, at huwag rin kalimutang tumulong sa iba kapag mas nakakaluwag. It's really an inspiring story, at mas ma-iinspire ka ring magluto kapag nakita mo yung mga featured food dito na mas pinasarap with the use of MAGGI Magic Sarap!  #MaggiKusinaSerye  #MaggiMagicSarap  #Maggi #ALLinONEderful  #PAGASArap

177 16

#TheWomanInTheWindow - May Igaganda Pa. Kwento ito ng character ni chang Amy Adams na si Anna Fox, na may pagka chismosa. Actually she's introduced to the viewers as someone who is agoraphobic meaning may phobia siya na lumabas ng bahay (kaya mapapa "sana all" ka na lang, kasi ngayon andami pa ring labas ng labas kahit naka GCQ with Heightened Restrictions and lactobacillus casei shirota strain tayo). Dahil walang mapaglibangan si chang Amy nyo, nagsimula siyang mag Dalgona, joke lang, nag start muna siya mang-stalk sa mga buhay-buhay ng mga kapitbahay niya sa pamamagitan ng pagsilip-silip sa bintana (thus the title, The Woman In The Window). Subalit naging komplikado ang kanyang pagiging nosy neighbor nang lumipat ang bagong kapitbahay niya na The Russels. From there maguguluhan na siya if totoo ba ang kanyang mga nakikita sa bahay ng Russels, if the murder she witnessed was true o baka naman hallucinations lang yun as a side effect from all the medications she's been taking for her mental disorder. As a viewer you'll be in for a surprise sa reveal sa dulo. I liked the overall story of this flick, shocking yung twist, exciting yung detective/mystery side nung kwento. On the filmmaker's style, medyo naging experimental si Joe Wright (director of Atonement, Pride & Prejudice). May pagka trippy at surreal itong The Woman In The Window, I'm still not quite sure though if the directorial approach was a misstep or not. Sana mas dinamihan din yung drama at intrigue. Ang nangyari kasi, parang mas nag focus sila sa mystery at sa mga shocking revelations, na nakalimutan na nilang bigyan ng maayos na character writing yung bawat tauhan sa story. That is why as an audience mag re-response ka lang out of gulat, but you only half-ass care with these people, wala kang masyadong maramdaman kung mamatay man sila. Anyway, I enjoyed it for what it is, a thriller flick with a good twist at the end. Nag expect lang ako ng mas mataas, pero hindi na meet yung expectations ko pag dating sa character writing at directing.

231 11

#FrenchExit - Maganda. I'm in love with this film. I'd give it a higher rating pero baka naman sabihin niyo OA ako. 😂 It's about an aging Manhattan socialite living on what's barely left of her inheritance and then moves to a small apartment in Paris with her son and pet cat. I like its quirkiness, its randomness. Napaka unique and clever ng script. The less you know what it's about the more you're gonna enjoy it. May pagka Woody Allen yung feel ng movie na ito, ramdam mo yung old Hollywood style sa mga shots at sound score. The story isn't something we all can relate to, I guess yung kakapitan mo dito ay yung little craziness ng mga characters, yung deadpan humor, yung matamis na lungkot through out the story at higit sa lahat— yung acting ng buong cast. I highly recommend this one, it's streaming on Vudu.

107 44

#JupitersLegacy - Antok. I'm not sure if it's just me, pero inantok ako sa series na ito. 🤣 It's a real slog to get through its pilot episode. There's some r18 level of violence sa show na ito, a la The Boys, pero hindi ganun kalakas ang impact lalo na kung nasa point ka na na isang pitik na lang at tutuloy ka na sa pag-idlip. Its writing is a big yawn. Wardrobe, makeup and prosthetics look cheap compared to other Netflix series. The actors were just something you wouldn't be excited about. Hanggang episode 3 lang ako, hindi ko na tinapos, I was bored.

143 0

#whywomenkill - maganda. From the makers of Desperate Housewives and Devious Maids, this anthology series comprised of three dark comedy stories about infidelity and murder is definitely a guilty pleasure. Ang galing nung storytelling, you'll keep guessing kung sino ba ang mamamatay, kung bakit, at sa anong paraan. Aaliwin ka rin ng mischievous writing nito at ang iyong mata with those colorful sets and wardrobe from the 60s and 80s. May mga moments that are very touching, most of the times pa nga it caught me off guard, kasi from a hilarious scene bigla silang magpapasok ng mga heartwarming bits that are highly effective. The series has a beautiful cast, Lucy Liu, Ginnifer Goodwin, Alexandra Daddario, Jack Davenport at marami pa! Pinaggastusan talaga ito ni Paramount+, and the output turned out so good. 😊👍 Mapapanood siya sa paramountplus.com

46 1

#dadstopembarrassingme - Meh. Wow this is embarrassingly bad. Outdated humor. Bad acted. A lot of annoying and uninteresting characters. Isa na namang fodder sa sandamakmak na shows ng Netflix. Mapapaisip ka kung bakit tinanggap ni Jamie Foxx ang project na ito. I am a fan of his, a great actor and overall a talented dude, so medyo bangungot for me to see this show. If there's a way to block a show sa Netflix, ito na yung mauuna.🤦 I watched its first episode and its underwhelming to say the least, kaya pinagbigyan ko ang second episode and it just got worse.

273 41

MAGGI Kusinaserye: KOMANDER 'NAY - Heartwarming. With this 7-minute long short film, naibigay yung heart-tugging na family story, na hindi lang kapupulutan ng aral kundi tatakamin ka rin dahil sa mga featured na lutuin dito. Very absorbing talaga yung performance ni Ms. Judy Ann Santos here, subtle lang but super commanding niya talaga pagdating sa pag-arte. May eksena dito towards the end that I nearly teared up. Maayos yung flow ng story, malinaw na nailahad kung ano ba yung conflict between Juday's character and her kids. At maganda rin ang pagkakatawid ng resolution, it was very touching and heartwarming. Gusto ko yung aral ng short film na ito, na minsan mahalaga rin na pinapakinggan natin ang boses at opinyon ng mga anak, minsan ito pa ang magiging daan upang mas magtibay ang pagsasamahan ng pamilya at makamit ang masasarap na ulam! Syempre with the use of MAGGI Magic Sarap. 😄 #MAGGIKusinaserye #MAGGIMagicSarap #AllinOnederful

222 2

Sobrang lambot nitong FRESHLY baked assorted gourmet donuts from @breadloungeph. Ito yung bawat kagat mo lasang lasa yung flavor, hindi siya umasa lang sa tamis. Favorite ko yung Xocolat at yung Milktea nila, lqsang lasa yung dark chocolate sa Xocolat and nakaka-amaze naman yung pag-incorporate ng Milktea flavor sa donut! It's a must-try guys! #drinksondeck #donutslovers #amysdonuts #bestdonutsintheworld #atlantadrinks #dessertbar #vegandonuts #vancitydrinks #dessertbuffet #donutsforbreakfast #drinksbythedram #munchindonuts #donutshopcoffee #foodstylist #tagify_app #dunkindonuts #dessertcafe #drinksintheair #ctdrinks #foodinsta #herbaldrinks #dukindonuts #fluffydonuts #donutsarelife #drinksup #dessertslover #dessertkl #drinksnight #duckdonuts #dessertstory

102 18

#ThingsHeardAndSeen - May Igaganda Pa. Sayang itong movie na ito. From start up to 90% percent ng runtime nung movie was actually really good. Intriguing yung kwento, well told yung narrative, acting is flawless at may subtle na horror. Sobrang nakaka disappoint lang yung ending, magulo. Alam mo yung feeling na parang may mga scenes na hindi naisama sa final cut, kaya nagmukhang ewan yung ending? Ganun yung pakiramdam after watching this movie. Either nagmadali na yung director or talagang weakness niya ang magbigay ng fitting na endings. May character na biglang naging mahalaga sa dulo, pero walang maayos na writing sa first half nung film, so parang off na bigla na lang naging bida itong tao na ito sa story. Feeling ko mas okay sya kung ginawa na lang series. At mas na flesh out yung iba't ibang individuals ng show.

207 13

#themapoftinyperfectthings - Maganda. It's a rom-com time loop movie, that has a YA novel feel. At first akala ko magiging kapareho lang siya ng Palm Springs ni Adam Sandberg, but as the story unfolds, dun mo marerealize na magka-iba sila ng atake. Palm Springs may be a lot funnier and louder, but The Map Of Tiny Perfect Things has more depth. More than a character study, the movie tells its viewers how important it is to savor each moment in life, and that we should appreciate the people we spent it with. Maganda rin yung chemistry ng actors dito. Kathryn Newton's Margaret is so bubbly which is a perfect match to the cautious Mark played by Kyle Allen. The Map of Tiny Perfect Things is an effective rom-com to say the least. At its best you get a beautiful teen flick that's full of heart and shall give you a plenty of giggles. It is streaming in Amazon Prime, subscribe thru @enjoyglobe plans! You can use the link below to know more. ⤵️⤵️⤵️ glbe.co/AVP-MagandaBa

431 48

#ShadowAndBone - Napaka Ganda. So far this show is the closest to Game of Thrones that Netflix has produced. The world-building is truly reminiscent of the mentioned show in Shadow and Bone. And then half of the main characters can bend elements, katulad ng The Last Airbender, while the other half has an arc about a group of thieves a la Lupin III. Overall the story of Shadow and Bone is so rich! Visual effects are flawless, it looks expensive. The sceneries are also astonishing. There are a lot of charming and interesting characters for you to love and root for. Weakest aspect of the show would be its dialogue, unlike GoT na mabibigat yung bawat lines ng bawat characters, dito medyo magaan, wala masyadong memorable quotes. Tipong pang YA novel lang. But don't think it's just a teen fantasy show, dahil may mga brutal kills dito that would probably make you squirm. Balanse ang humor, action at fantasy sa series na ito, that's why it deserve a Napaka Ganda rating.

159 22

#MortalKombat - Maganda. Jawdropping fight scenes. Flawless visual effects. Character design is on point, it stayed true to the video game. No dull moment, those who love the game will surely be satisfied with this film. Definitely a fan service. May igaganda pa siya, I think naging rush yung story towards the end. Medyo mabilis din yung resolution. But hey, it's Mortal Kombat, lahat ng conflict madadaan sa madugong labanan, so I don't think kailangan pang patagalin at gawing komplikado ang lahat. Ang mahalaga nandun yung Flawless Victory and Fatality. A word of advice lang, avoid watching the red-band trailer, kasi halos 50% nung gruesome and brutal kills andun na ata. Overall, this is a video-game movie worth a watch (and a rewatch). Slightly disappointed lang ako na wala nung sumisigaw ng MORTAL KOMBAAAAAAAAT na parang naka tapak ng lego, sa umpisa nung movie.

258 18

#DoctorFoster - Maganda. Highly intriguing storyline. Superb acting from the whole cast. Beautifully scored. Hindi nagmamadali yung kwento, pero hindi rin mabagal. Malaman bawat episode, at every time matatapos ang isa, mapipilitan ka talagang panoorin yung susunod dahil sa galing nilang mag lagay ng cliffhangers. Definitely a bingeable show. I haven't seen The World of the Married so hindi ko makumpara ang dalawa kung ano ba ang mas panalo. But one thing's for sure, excited na rin ako sa gagawing PH remake ng series na ito! 😂

118 2

#TheFather - Maganda. Stunning performance from Sir Anthony Hopkins, deserb na deserb magka Oscar. Story isn't intricate but it was able to keep the audience attention through intriguing, if a little confusing storytelling. It's a depiction of a man suffering dementia, so I guess it's understandable even though it's perplexing most of the time. Kahit simple lang yung pinaka gist ng kwento, with its outstanding elements, from superb acting, stylish camera work and tastefully done scoring, The Father has delivered a terrific film. For me it's a horror film, I've never watched something like it, its truthfulness is both frightening and saddening. Watch on #Vudu

22 0

#BadHair - Pwede Na. If Sam Raimi and Jordan Peele had a movie child, and that kid is a bit underachiever, it will be Bad Hair. It tells a story of an ambitious young woman who gets a weave in order to succeed in the image-obsessed world of music television in the late 80s. However, her flourishing career may come at a great cost when she realizes that her new hair may be a work of the devil. Buhay na buhay yung 80s mood, from that retro music videos to the wardrobe, even the dialogue, style of filming and visual effects, pakiramdam mo you are watching a 30 year old flick. Campy siya, pero may kulang, it feels like it's scared to get overly humorous. There are also some social commentary here, tungkol sa entertainment industry na obsessed sa panlabas na kagandahan, especially pagdating sa pagdadala ng buhok ng mga kababaihan. Sadly hindi ganun kalalim yung nagawang discussion about it. Nakulangan ako. Mataas yung 80s vibes nung pelikula iyun ang kakapitan mo bilang manonood throughout, sana lang mas naging campy para mas entertaining or nagkaroon ng mas malalim na social commentary para mas interesting.

214 0

#GeneralAdmissionFilm - Maganda. Surprisingly maganda. I didn't expect na ganun kagaling yung script ng pelikula. It's the writing that hold my attention from start to end. I think before watching this film, first is that you have to understand that this is a satirical film, there's exaggeration to criticize the Entertainment Industry. The acting is also on point here, alam nina @jascurtissmith at @akosijcdeberat kung anong klase ng pelikula ito at kung anong uri ng karakter ang kanikanilang gagampanan. Parehong may mga malalaking moments ang dalawa. Kahit yung mga supporting cast, nagbigay din ng mahusay na performance dito. Siguro may igaganda pa yung movie pagdating sa sound score. Dahil punong puno ng tension yung kwento dapat catchy rin at lively yung scoring, para mas lalong ramdam yung bigat ng bawat eksena at lalim ng mga linya. Mas gusto ko rin sa ganitong type ng palabas kung ginawa nilang grainy at sharp yung texture ng pictures, instead of a little dull, little too glossy. Pero overall I'm impressed with this film, it's darkly funny, it's intriguing and definitely thought-provoking. PS. Mas ma-eenjoy mo siya kung papanoorin mo na wala masyadong ideya kung tungkol saan yung movie, kahit synopsis wag mo munang basahin. 😂 You can watch this on @ktx.ph

364 10

#DitoAtDoon - Maganda. Beautiful cinematog. Clever staging and framing. The soundtrack from Ben&Ben was very fitting. Charming cast. Timely story, may mensahe beyond romance, mga bagay bagay patungkol sa struggle nating mga Filipino sa panahon ng pandemya. Definitely more than a romcom. Andun yung stamp ni Habac, lalo na sa ending. Mapapaisip ka sa mga nangyari, kung bakit humantong doon. Kagabi ko siya napanood, pero kanina habang naghuhugas ako ng pinggan iniisip ko pa rin yung ending. Masakit? Medyo. May natutunan? Oo. Nood kayo guys. @upstream.ph @ktx.ph @tbastudiosph

94 23

#GodzillaVsKong - Maganda Kung. Wala masyadong meat yung story, kung meron man, parang nagawa na rin halos lahat ng ibang monster movies. 80% CGI, you know it's expensive pero anglungkot ng pagkakakulay. Combination ng uninspired na story at dull colors, nakatulog ako twice while watching it. 😂 Well that fight scene at its latter part was something else though, they surely delivered on that. Mas ma aapreciate mo siguro siya if naka big screen ka, or IMAX. If you find it epic to see Godzilla, Kong and one more Titan duke it out while having a neon light city as their backdrop (and it doesn't bothers you that this whole thing relies heavily on CGI), then prolly it is gonna be worth a watch for you. #HBOMax

34 0

#TheHead - Pwede Na. In the middle of the winter, a small group of scientists are in charge of an international base in the Antarctica for a highly classified research. In the longest night of 6 months, one by one these people will die. The Head is something similar to that game called Among Us, but instead in space, they have their base on the South Pole. It will be a game of teamwork and betrayal, may isang "impostor" at halos lahat ay "sus" . Andaming annoying characters dito, halos itapon ko na yung cellphone ko while watching it sa inis. Halata rin na pinababa yung IQ nung mga scientists para sa plot, kasi kung matatalino lahat sila for sure mahihirapan yung killer to execute the plan. So yeap, yung mistakes ng mga tao dito that leads to their demise, feel just so contrived. The twist is too predictable, nasa second episode pa lang ako, I already figured out what's going to happen, kung ano yung twist, at kung sino yung "impostor" among them. Strongest element of the series is its cast, well-known actors from around the globe ang mga nandito. At kahit na yung writing madalas ay fail, with the actors' delivery, hindi na masyadong napapansin. Another worth mentioning is its terrific sound score, it's just masterfully done. Technical aspects of this show are truly top notch. Yung story lang talaga ang medyo matamlay for me, especially the finale. Is it worth a watch? To be honest, I watched it in two batches, so I was kind of hooked, mostly because of the good scoring, and acting. Partly din siguro gusto kong makita kung paano mamamatay yung mga annoying na characters, haha! I'd say go watch it pa rin, baka mas mataas ang threshold niyo sa irritating characters. 🤷🏻‍♂️ #HBO

196 10

#Invincible - Sobrang Ganda. From the creator of The Walking Dead, Robert Kirkman, this superhero animation is truly a game changer. At first it seemed like a plagiarized version of Justice League, but as the story progresses you get the feeling that that's intentional. Maybe Kirkman pitched this story to DC, but gets rejected because it's too violent for Justice League. But he still proceed on it, and to piss off DC he ripped off their superheroes. It's more funny to think that that's really what's happening here. Invincible has an excellent animation, ang galing nung nga action scenes, smooth and imaginative yung execution. It's 2D, but with how those fight scenes were produced para ka na ring nanonood ng live action. Hindi stiff yung animation, alam niyo yung technique na ginagawa sa anime where they can do a 360 degrees angle to give the action bits more impact, maraming ganito sa Invincible. The story is engaging, there's a lot of superhero tropes, but they sure are aware of it. It's like they're actually mocking it, which make the show even more cool. Then there's that R rated violence and gore. Grabe, once mapanood mo ang episode one, I'm sure you'll be shocked. No holds barred, brutal action yung meron dito, so you'll always be at the edge of your seat kasi anyone (except Invincible siguro) may die, every time there's a fight scene. I think bonus na lang that we get to hear all the talented stars lending their voices to the characters. Andito si Steven Yeun as Invincible, we also have J K Simmons, Sandra Oh at marami pang iba na sikat na artista, magugulat ka na lang na part pala sila ng show. #Invincible is streaming in Amazon Prime, subscribe thru @enjoyglobe plans! You can use the link below to know more. ⤵️⤵️⤵️ glbe.co/AVP-MagandaBa

252 2

Totoo nga guys! One of the best Laksa sa NCR+ ang Classic Seafood Laksa ni @chefhubbyph, di tinipid sa sahog, may fresh prawns, fish tofu, flavorful lobster balls, clams at veggies. At yung laksa soup, grabe malinamnam. You definitely should try this out! #food #foodporn #yum #instafood #TagsForLikes #yummy #amazing #instagood #photooftheday #sweet #dinner #lunch #breakfast #fresh #tasty #food #delish #delicious #eating #foodpic #foodpics #eat #hungry #foodgasm #hot #foods #laksa #seafood #delish

104 1

#TheSeventhDay - Pwede Na. It's an exorcism horror movie, tells a story of a rookie priest started training under a renowned exorcist. As they plunge deeper into hell on Earth, the lines between good and evil blur and their own demons emerge. Mahuhusay yung actors, they have Guy Pearce as the veteran exorcist. And he's able to portray the character well, the actor's undoubtedly talented. Then paired with Vadhir Derbez who's quite new to Hollywood but already a somebody in Mexico. Maayos yung performance niya, tamang tama sa role na rookie exorcist. He's able to paint a character that shows a big development throughout the movie. Direction is also pretty decent, kahit ramdam mo na on a budget ang film, nagawan ng paraan ng filmmaker to give this film a fitting ambiance and some well shot scenes. The director's competent. Unfortunately the story, who's also written by its director is just bland. First half was kind of interesting, parang MIB for exorcism ang atake, with the rookie and the veteran's dynamic, kaso when it hit its second act, naging draggy and too predictable. After watching the film, nanghinayang ako. Sana mas naging clever yung execution ng twist, halata masyado yung pagkakalatag ng clues. And when they revealed what the twist is all about, hindi na nakakagulat kasi marami ng katulad ng ganoong story that's been told before, and executed way way better. #Vudu

87 3

#countrycomfort - Napaka Ganda. Wasn't expecting much from this sitcom, but it turned out to be one of my favorite Netflix shows this year, after watching the whole season 1 in one sitting. It's like The Sound of Music as it's a story about a nanny and a family that's longing for their mother who's passed on. Country Comfort is more than a sitcom, as it's also an effective musical. Ganda nung mga songs at musical numbers dito. It's country, so expect good lyrics. The cast here have great chemistry, and the characters (especially the kids) are well-written. The humor is also on point, and those emotional, tug at the heart moments are inserted thoughtfully. It's funny, warm and lyrical. The only thing I didn't like in this show is that its season 1 was only comprised of 10 episodes. Can't wait to see the next season, after that terrifically executed finale. #Netflix

174 1

Dito mismo sa ating mga bahay mapapanood ang #DitoAtDoon ngayong March 31 na sa KTX, Ticket2Me , Cinema '76 @Home, & iWantTFC 💛

151 2

#BooksOfBlood - Maganda. If horror fan ka at mahilig ka sa SRR or yung Tales from the Crypt, this one's definitely for you to see. May tatlong short stories na intertwining. Maganda yung storytelling, fast-paced sya, never dragging. Imaginative yung mga scary bits, it's a bit reminiscent of those 80s and 90s campy horror, but at the same time it has its own fresh take. Nandun yung intrigue, yung creepiness and those darkly grim endings. #Hulu

PEOPLE ALSO VIEWED

Looking for the next influencer in Philippines to work with?
Have you considered to work with the following influencers?

28.3K
-
1.20 %
Philippines Modeling, Fashion
33.6K
-
0.10 %
Philippines Art, Beauty
3.8K
84 / post
0.80 %
Philippines
13.1K
668 / post
4.10 %
Philippines
27.8K
343 / post
1.80 %
Philippines Travel, Film, Music & Books, Nature & Outdoors, Architecture, Photography
231.1K
-
1.20 %
Philippines Actors, Photography, Travel
103.8K
685 / post
1.50 %
Philippines Modeling
63.1K
-
1.60 %
Philippines Actors, Modeling, Music
38.9K
-
7.20 %
Philippines
64.6K
1K / post
0.80 %
Philippines
116.5K
-
4.80 %
Philippines Travel
2M
-
0.70 %
Philippines Travel, Modeling, Photography
12.9K
-
3.20 %
Philippines Singer, Music, Entertainment
2.3K
145 / post
5.30 %
Philippines Photography, Technology, Architecture, Nature & Outdoors, Travel
33.2K
-
13.60 %
Philippines Art, Beauty, Music